Connect with us

Entertainment

Maja Salvador itinanghal na ‘Best Actress’ sa Asian TV Awards

Published

on

1st Asia Contents Awards Best Actress, Maja Salvador for 'Wildflower' from the Philippines. Photo ciurtesy | MJ Felipe @mjfelipe twitter

Naiuwi ni Kapamilya aktres Maja Salvador ang ‘Best Actress’ award sa Asia Contents Awards 2019 na ginanap sa Busan, South Korea nitong Linggo.

Ang parangal ay nakuha ni Salvador sa kanyang pagganap bilang si Lily Cruz at Ivy Aguas sa teleseryeng ‘Wildflower’.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan nito ang ABS-CBN at buong team ng Wildflower dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya.

Binanggit rin ni Salvador ang veteranong aktor na si Tirso Cruz III sa pagbibigay ng hamon sa kanya na mas galingan pa ang kanyang pagganap sa serye.

“It was an honor to be trusted with this role by our network, ABS-CBN, and the whole team of Wildflower,” wika ni Salvador.

“I share this recognition to all of my brilliant colleagues in the show, most especially to the veteran genius, Mr. Tirso Cruz III, who upped my game and encouraged me when I thought I had nothing more to give,” dagdag pa ni Salvador.

Ito rin umano ang pinaka-magandang regalo na natanggap ng aktres sa kanyang kaarawan.

Bukod sa best actress award, nominado din ang drama series ‘Wildflower’ sa Best Asian TV Drama category.

Ang kauna-unahang Asia Contents Awards ay inorganisa ng Busan International Film Festival at Asian Film Market upang parangalan ang pinakamahusay ng TV dramas na pinalabas sa buong Asya sa nakalipas na limang taon.

Source: ABS-CBN News

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *