Connect with us

Entertainment

James Reid at Nancy ng Momoland, magsasama sa TV series

Published

on

Photo from the web.

Magsasanib-pwersa sa teleseryeng pinamagatang ‘Soulmate’ ang isa sa bigating aktor sa bansa na si James Reid at Nancy McDonie ng sikat na Korean group na Momoland.

Kinumpirma ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN ang balita ukol sa TV series na nakatakdang i-direct ni Antonette Jadaone.

Tanyag si Jadaone sa pagdidirek ng mga romantic comedy films gaya ng “That Thing Called Tadhana,” na labis na tumabo sa takilya.

Kasalukuyang nasa Pilipinas ang grupong nasa likod ng hit song na “Bboom Bboom” para sa kanilang “Good Friends” show sa Araneta Coliseum.

Pumirma na rin ng kontrata ang ABS-CBN at MLD Management para sa paparating na mga proyekto ng Momoland sa Dos, kabilang ang travel series kung saan lilibot sila sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Source| https://radyo.inquirer.net/208244/james-reid-at-nancy-ng-momoland-magsasama-sa-teleserye

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *