Connect with us

Entertainment

CONFIRMED! Jennylyn Mercado, gaganap bilang Song Hye Kyo sa Pinoy version ng ‘Descendants of the Sun’

Published

on

Photo courtesy | Jennylyn Mercado Instagram photo


Matapos ang ilang buwan na paghihintay, kumpirmadong si Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado ang gaganap sa karakter ni Song Hye Kyo sa Pinoy version ng Korean hit drama series na ‘Descendants of the Sun’.

Sa Instagram post ng Kapuso aktres, inanunsyo nito na gagampanan niya ang role ni Dr. Maxine Dela Cruz, ang karakter ng leading lady ni ‘Big Boss’ na gagampanan naman ni Dingdong Dantes sa naturang palabas.

Ibinahagi ni Jennylyn sa kanyang post, na labis itong nasiyahan at nagpasalamat sa pagpili sa kanya ng GMA sa naturang proyekto.

Pinangako rin ng aktres na hindi niya bibiguin ang publiko at bibigyan niya ng hustisya ang role.

“Hi everyone.
Minsan lang ako magpost about my projects and hindi ko mapigilan ang sarili ko. I am super happy to portray Dr. Maxine De La Cruz of Descendants of The Sun The Philippine Adaptation. When I heard they started taping already and preparing for the soap, ako din nacurious kung sino nga ang napili para sa role. When I learned that it was me, I was overwhelmed with gratitude for GMA’s trust and also pressured since I know how big this project is. I promise I would do everything to give justice to the role. I won’t let you all down.
Pangako.”
pahayag ni Jennylyn Mercado sa kanyang IG post.

Kasama rin sa drama-action series sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith, na gaganap bilang sina Technical Sergeant Diego Ramos at Lieutenant Moira Defensor.

Source: GMA News

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *