Connect with us

Entertainment

Maine Mendoza, inamin na may crush kay Carlo Aquino

Published

on

Photo| ManilaBulletin

Pagkatapos ang pelikulang pinagbidahan ni Carlo Aquino na “Meet Me At St. Gallen,” sasabak naman ito sa bagong movie kasama si Maine Mendoza.

Ayon kay Maine, magandang oportunidad ang makatambal si Carlo Aquino sa kanyang bagong pagbibidahang pelikula na “Isa pa with feelings”.

Inamin din ng aktres na napahanga ito sa naging karakter ni Carlo bilang Jesse sa pelikula kung saan nakasama nito si Bella Padilla.

I really admired his Jesse character in that movie. I don’t know, but when I watched him, I got a crush on him nang slight — pero paglabas ng sinehan ay nawala rin naman!” – anya sa press conference ng kanilang pelikula.

Sinabi ni Maine na iba si Carlo sa big screen at matagal na nya itong hinahangaan pagdating sa larangan ng pag-arte.

Ngunit may ilang mga fans ni Maine ang dismayado dahil hindi nila gusto na makatambal nito ang aktor.

Kaya naman iginiit nito na parte lang anya iyon ng mundo ng showbiz.

Pero nandito na ito, eh. Parte talaga siya dito sa mundo ng showbiz na hindi puwedeng ‘yun at ‘yun lang din ang makakatrabaho mo. Ang feeling ko eventually ay maiintindihan din nila na it’s the chance of the artist to grow and to explore,” saad ng aktres.

Sa kabila nito, todo suporta naman kay Maine ang kanyang ka love team na si Alden Richards na una nang itinambal kay Kathryn Bernardo sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye”.

Via| Trainee Mark Dexter Delgado Rome

Source| https://entertainment.mb.com.ph/2019/10/02/maine-mendoza-fulfills-wish-to-work-with-carlo-aquino/

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *