Connect with us

Entertainment

Hailey at Justin, muling kinasal sa ikalawang pagkakataon

Published

on

Photo courtesy | Justin Bieber Instagram photo

Muling nagpakasal ang singer na si Justin Bieber at kanyang supermodel partner na si Hailey Baldwin.

Ang ikalawang wedding ceremony ay ginanap sa Palmetto Bluff ng Montage Hotel sa South Carolina na dinaluhan ng malalapit na kaibigan at kamag-anak ng mag-asawa.

Ayon sa ulat, naging bridesmaid ang kapatid ni Hailey na si Alaia Baldwin at ang pinsan niya na si Ireland Baldwin.

Dumalo sa kasal ang ama ng bride, ang aktor na si Stephen Baldwin at ang mga kapatid nitong sina Alec at Daniel Baldwin.

Sa panig naman ni Bieber ay ang kanyang ina na si Pattie Mallette at ang amang si Jeremy Bieber.

Noong isang taon, naging mag-asawa sina Justin at Hailey sa pamamagitan ng isang civil wedding bagamat hindi ito kinukumpirma ng magkabilang panig.

Ang kanilang ikalawang pag-iisang dibdib ay kasabay ng unang anibersaryo nila bilang mag-asawa. – Jimmy Tamayo/ Radyo Inquirer

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *