Connect with us

Entertainment

Pagtalaga kay Uson sa OWWA, umani ng iba’t-ibang reaksyon

Published

on

Photo| Philnews.ph

Pagkatapos matalo bilang kinatawan ng party-list AA-Kasosyo sa Kamara de Representantes limang buwan ang nakakaraan ay itinalaga bilang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) si Esther Margaux “Mocha” Uson.

Sa inilabas na impormasyon ng Malacañang, kasama ang pangalan ni Uson sa listahan ng mga bagong opisyal na itinalaga ni Pangulong Duterte sa presidential appointees.

Kaugnay nito, umani ng sari-saring negatibong reaksyon ang naturang appointment.

Nakasaad sa 1987 Constitution, isang taong hindi pwedeng ma-appoint sa anumang ahensiya ng gobyerno, government-owned or controlled corporations, o subsidiaries nito ang sinumang natalo sa eleksyon.

No candidate who has lost in any election, shall within one year after such election, be appointed to any office in the Government or any Government-owned or controlled corporations or in any of their subsidiaries.”

Gayunpaman, nilinaw ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi saklaw ng one-year-ban ang mga party-lists.

Unang itinalaga ni Presidente Duterte si Uson bilang secretary ng PCOO nasangkot siya sa iba’t ibang kontrobersiya tulad ng mga alegasyon ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon sa kaniyang social media account, bagay na kaniyang pinabulaanan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *