Connect with us

Entertainment

K-drama actors darating sa bansa!

Published

on

Nasa bansa na sina Park Seo Joon (dulong kaliwa) at Jung Hae In (pangalawa mula sa kaliwa), habang paparating naman sina Lee Dong Wook (gitna), Lee Seung Gi (pangalawa mula sa kanan), at Cha Eun Woo (dulong kanan). PHOTO/S: INSTAGRAM

Dumating na sa bansa ang ilan sa mga sikat na Korean drama actors na sina Park Seo Joon at Jung Hae In.

Ang actor at celebrity endorser ng Bench na si Park Seo Joon ay may fan meet sa Mall of Asia Arena sa Linggo, Sept. 29 habang si Jung Hae In ay magkakaroon rin ng “One Summer Night” fan meeting na gaganapin ngayong araw sa New Frontier Theater.

Sa mga susunod na araw, darating rin ang iba pang “oppa” para makipag-meet sa kanilang Filipino fans.

Ang Goblin star na si Lee Dong Wook ay bibisita sa bansa sa Oktobre 5 para sa selebrasyon ng 70 taon na diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

Ang South Korean “Ballad Prince” na si Lee Seung Gi naman ay darating para sa Manila leg ng kanyang “Vagabond Voyage” fan meeting sa October 12.

Sa October 26 naman, darating for the first time sa Pilipinas ang Gangnam Beauty actor na si Cha Eun Woo para sa kanyang fan meeting sa New Front Theater, Cubao Quezon City.

Source: Pep.com

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *