Connect with us

Entertainment

Alden Richards hinirang bilang “Sexiest Man in the Philippines”

Published

on

Alden Richards won the Sexiest Man in the Philippines | Starmometer/Photo

Nanguna sa 100 Sexiest Man in the Philippines ang Asian Multimedia Star at Kapuso actor Alden Richards sa poll ng isang online entertainment blog na Starmometer.

Sa poll ay nakalikom ang Kapuso aktor ng 56.9% na boto ng mga netizen.

Binase ang pagpipilian sa criteria na 30% charm, 40% physique, at 30% popularity index.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakatanggap ng parangal ang pambansang bae ngayong taon.

Una ay nang manalo ito ng ‘Asian Star Prize’ sa Seoul International Drama Awards sa South Korea.

Kinumpleto naman nina Kapamilya actor Daniel Padilla at Enrique Gil, at Kapuso aktor Dingdong Dantes at James Reid ang top 5 ng poll.

Tingnan ang buong listahan ng 100 Sexiest man in the Philippines dito.

Source: Starmometer.com

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *