Connect with us

Entertainment

Yeng Constantino, nakaranas ng trauma sa social media matapos mabatikos ng mga ‘bashers’

Published

on

Yeng Constantino | ABS-CBN News photo

Inamin ng singer-composer na si Yeng Constantino na nakaranas ito ng trauma matapos mabatikos ng mga bashers sa social media.

Matatandaan na naging viral ang vlog ng singer kung saan ibinahagi nito ang hindi naging magandang karanasan ng asawang si Yan Asuncion sa isang ospital nang ito ay maaksidente sa Siargao.

Dahil dito ay bumuhos ng iba’t-ibang komento ng mga netizens sa nasabing vlog.

Ayon sa singer, hindi niya inakala na mararanasan niya ang naging pambabatikos sa social media.

Aniya, dahil sa labis itong naapektuhan sa nangyari, kapag nakakakita ito ng logo ng YouTube, Twitter at Facebook ay kinakabahan ito.

Sa ngayon, tutok si Yeng bilang hurado sa Tawag ng Tanghalan sa “It’s Showtime” at abala para sa nalalapit na showing ng kanyang pelikulang “Write About Love.” – watch & read more: https://bit.ly/2lwpABp

Source: ABS-CBN News

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *