Published
1 year agoon
Nakatakdang mag-concert ang South Korean singer-actress na si IU sa Pilipinas sa darating na Disyembre 13 ngayong taon.
Nitong Sabado, inanunsyo mismo ni IU sa kanyang Twitter account ang kanyang solo concert tour na gaganapin sa Araneta Coliseum.
Ito ay bahagi sa kanyang “2019 IU Tour Concert: Love, Poem”.
Bukod sa South Korea at Pilipinas, magkakaroon din ng concert si IU sa Taipei, Singapore, Kuala Lumpur, Bangkok at Jakarta.
Ang singer-actress ay nakilala sa kanyang Korean drama series na Dream High (2011), Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo (2016), and Hotel de Luna (2019).
Source: Manila Bulletin