Connect with us

Entertainment

‘LGBTQ+ community may karapatang umibig’ – Martin Del Rosario

Published

on

Martin Del Rosario/Instagram photo
“We all have the right to love another person, regardless of whatever sexual orientation we prefer,” – Martin Del Rosario

Lahat ay may karapatang magmahal anuman ang sexual orientation.

Ito ang pahayag ng aktor na si Martin del Rosario  na nagbigay ng suporta sa karapatang umibig ng mga miyembro ng LGBTQ+ community.

Sa ginanap na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019 Gabi ng Parangal, itinanghal na best actor si Martin para sa pelikulang “Panti Sisters,” kung saan ito ang malinaw na mensahe ng pelikula.

Ayon pa sa aktor, dapat na ipakita ng LGBTQ members sa publiko kung may minamahal sila para alam nilang posibleng mangyari sa totoong buhay ang uri ng pag-ibig.

Pero aniya dahil walang batas sa bansa at hindi pwede sa simbahan ang ‘same sex marriage’, dapat na hayaan na lamang ang mag-partner na ipakita ang kanilang pagmamahalan sa paraan na gusto nila.

Kasama ni Martin sa pelikulang ‘Panti Sisters’ sina Paolo Ballesteros at Christian Bables na kasalukuyang nangunguna pa rin sa takilya.

Source: Radyo Inquirer

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *