Connect with us

Entertainment

Blind singer na may autism, champion sa Season 14 of America’s Got Talent

Published

on

Kodi Lee celebrates with Simon Cowell, Julianne Hough, Gabrielle Union, Howie Mandel and host Terry Crews after being crowned champion of “America’s Got Talent.” Trae Patton/NBC

Itinanghal na bagong champion ng 2019 America’s Got Talent season 14 ang blind singer na mayroong autism na si Kodi Lee.

Sa audition pa lang ng 23-anyos singer ay napahanga agad ang mga hurado sa angkin nitong talento hanggang sa mabigyan ito ng golden buzzer galing kay Gabrielle Union kung saan kinanta nito ang ‘A Song for You” ni Donna Hathaway.

Sa finale ay muli niyang pinahanga ang mga manunuod gayundin ang mga hurado hanggang siya’y nakatanggap ng standing ovation sa performance niya ng “You Are the Reason” kasama si Leona Lewis.

Dahil dito ay nakuha niya ang titulong kampeonato sa AGT.

Iuuwi niya rin ang 1 milyon dolyar at magkakaroon ng palabas sa Paris Las Vegas Hotel & Casino sa Las Vegas nitong Nobyembre.

Bukod sa siya’y umaawit ay tumutugtog din si Lee ng piano sa lahat nitong performance.

Si Kodi Lee ay ipinanganak na mayroong optic nerve hypoplasia at na-diagnose ng autism nang siya’y apat na taong gulang.

Source: https://www.classicfm.com/discover-music/periods-genres/film-tv/americas-got-talent-winner-kodi-lee/

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *