Connect with us

Entertainment

Kris Aquino naghahanap ng lalaking single edad 41 to 55 sa FB

Published

on

Photo: Kris Aquino/IG

Bukas ngayong tumanggap ng mga friend request mula sa mga single na lalaki ang queen of all media na si Kris Aquino sa kanyang bagong gawang personal Facebook account.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, sinabi ni Kris na partikular na nais niyang maging FB friends ang mga single na lalaki na nasa pagitan ng edad 41 at 55 anyos.

Pwede daw biyudo, diborsyado, legally separated o annulled na ang kasal ng lalaking kanyang magiging FB friend.

 “If you’re male, please be between 41 to 55, single (pwedeng widowed, divorced, legally separated, or annulled),  and if you’re a doctor, (especially a rheumatoid, immunology, allergy specialist, neurologist, anesthesiologist, pain management specialist, or cardiologist), promise accept agad ang friend request.” Instagram post ni Kris Aquino.

Ayon kay Kris, okay daw sa kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby na maging FB friend niya ang isang piloto na ang biyahe ay international flights.

Sa ngayon, mayroon nang walong friends si Kris sa kanyang personal FB account.

Source: GMA News

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *