Connect with us

Entertainment

Gary Valenciano, nawindang sa fake news na nagpakamatay ang anak na si Gab V.

Published

on

Nawindang ang singer na si Gary Valenciano sa kumakalat na balita ukol sa sinasabing nagpakamatay ang anak nitong si Gab Valenciano dahil sa depression.

Sa Instagram at Twitter account ni Gary, pinost niya ang screenshot ng pekeng TV report kung saan isang reporter ang nag-report sa ABS-CBN ay si Pinky Webb.

Sinabi ni Gary na walang katotohanan sa lumabas na video.

“I know this is fake news. But just so you know My God. It asks you to share first before watching,” saad ni Gary sa caption ng kanyang post.

Nilinaw din ng singer na walang kasalanan ang ABS-CBN News dahil lumalabas din aniyang biktima ito sa insidente.

Lumabas ang fake news matapos ibahagi ni Gab ang kaniyang tangkang pagpapakamatay noon kasabay ng World Suicide Prevention Day.

Naglabas din ng statement si Gab sa kanyang Instagram account tungkol dito at tiniyak din nito sa kanyang mga tagahanga na maayos ang kanyang kalagayan.

 “FAKE NEWS. I AM ALIVE AND WELL.” Instagram post ni Gab.

Pinaalalahan naman ni Gary ang mga netizens na huwag basta-basta maniniwala sa mga kumakalat na balita.

Read more: http://balita.net.ph/2019/09/17/i-am-alive-and-well-gab/ https://bandera.inquirer.net/228817/gary-sa-balitang-nagpakamatay-si-gab-valenciano-this-is-fake-news-my-god

Source: Balita.net/Bandera Inquirer

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *