Connect with us

Entertainment

Kathryn binantaang sasabuyan ng asido sina Nadine at Liza?

Published

on

Kathryn Bernardo/Nadine Lustre/Liza Soberabo | pinterest.com Photo

Isang fan ang umano’y nagbanta sa dalawang Kapamilya actress na sina Nadine Lustre at Liza Soberano na sasabuyan ng muriatic acid sa mukha.

Sa Twitter, gamit ang picture ni Kathryn Bernardo na may username na @kath54751561, nag-tweet ito na sisiguraduhin niyang masasabuyan ng muriatic acid ang mukha ng mga aktres.

Gagawin umano ng fan ang kanyang tangka sa darating na ABS-CBN Ball.

Talagang matapang ang fan dahil may pa-‘MARK MY WORDS’ pa itong sinabi sa dalawang aktres.

Tweet ni @kath54751561: “I’ll make sure to pour muriatic acid to these girls faces if they showed up at abs-cbn ball so be ready soberano and lustre MARK MY WORDS.”

Ito naman ay agad na nakarating sa manager ni Liza na si Ogie Diaz at siniguro ang fans ni Liza na laging may security sa ABS-CBN Ball na dati ay Star Magic Ball.

Hindi malayang totohanin ng isang fan ang kanyang banta lalo na at open ang venue ng ABS-CBN Ball na gaganapin mamayang gabi.

Source: http://balita.net.ph/2019/09/14/liza-nadine-binantaang-sasabuyan-ng-muriatic/

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *