Connect with us

Entertainment

Dianne Medina’s Blind Item: ‘DA WHO’? Isang aktres ang umano’y dinuraan ang kanyang pinsan

Published

on

Dianne Medina/Instagram & Facebook/Photo

Idinaan ng TV host na si Diane Medina sa pag-post ng blind item sa kanyang Facebook account ang umano’y pagdura ng isang aktres sa kanyang pinsan na nasa showbiz rin.

Sa blind-item post ni Diane, ipinahayag nito ang ukol sa “artista na nandura sa kapwa artista na wala naman sa script.”

Dagdag pa ni Diane sa aktres na ‘respeto naman at huwag daw ang kanyang pamilya.’

Status ng 32-anyos na actress-TV host, “Blind Item: Da who itong artista nandura sa kapwa artista na wala naman sa script. Girl, RESPECT pls Minsan lang ako status Girl, wag ang pamilya ko!”

Dahil sa lumobong isyu, tila nasagot naman na ang dalawang ex-beauty queen-actress na sina Maxine Medina at Kylie Versoza ang tinutukoy ni Diane.

Kylie Versoza and Maxine Maxine | cover of Mega
Magazine

Ayon sa isang aktikulo, dinuraan umano ni Kylie si Maxine sa isang eksena ng ABS-CBN tv series na ‘Los Bastardos’, kahit wala naman sa script.

Hindi rin umano humingi ng paumanhin si Kylie matapos ang kanyang ginawa.

Kaya’t naging palaisipan ngayon kay Maxine kung may galit sa kanya ang girlfriend ni Jake Cuenca.

Sa kasalukuyan ay kinukuha pa ang panig nina Maxine Medina at Kylie Versoza sa naturang na isyu.

Source: http://balita.net.ph/2019/09/11/kylie-at-maxine-may-hidwaan/

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *