Connect with us

Entertainment

Alex Gonzaga, sinagot ang akusasyong sumingit ito sa pila sa airport

Published

on

Alex Gonzaga | cathygonzaga Instagram Photo

Binigyang-diin ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga na hindi siya sumingit sa pila sa immigration sa airport.

Nitong Lunes, isang netizen ang nag-tweet ng screenshot ng Facebook post ng buntis na kaibigan niya umano – na nagsabing inunahan daw ni Alex sa pila.

Facebook status ng buntis na pasahero na siningitan umano sa pila: “Alex Gonzaga just tried to cut me at the immigration queue. What’s with entitled Filipino celebrities lol.”

Tweet naman ng netizen: “Shutanginamesh alex gonzaga kagaspangan ng ugali mo nagumpisa ka na naman wala ka patawad pati friendship ko.. nakakaloka ampotah!”

Paliwanag naman ng 31-anyos na aktres, na mayroong isang bagong counter ang nagbukas at inanyayahan siya  na gumawa ng panibagong pila lalo na’t kapwa senior citizens ang kanyang mga magulang.

Lumapit at kinausap daw sila ng pasaherong buntis kung saan kanila naman itong pinauna.

Ikinalungkot naman ng aktres na pinalaki pa raw ng issue kahit wala naman dapat issue.

Gayunpaman, pinili ni Alex na maging positibo at i-enjoy na lamang ang bakasyon sa Japan.

 “There was no issue. Nakakalungkot kailangan nya palakihin. Anyway, I said my piece. Off to positivity and enjoy my trip,” pahayag pa ni Alex.

Full story:  https://www.pep.ph/news/local/145945/alex-gonzaga-cutting-immigration-line-a717-20190909

Source: PEP.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *