Connect with us

Entertainment

Dating artista at anak nito, huli sa buy-bust sa Quezon City

Published

on

Debora Sun Ι Facebook/News5 Features; Pilipino Star Ngayon/File

Naaresto nitong madaling araw ng Linggo ang dating aktres na si Deborah Sun at ang kaniyang anak sa buy-bust operation sa Quezon City.

Kasamang naaresto ng 60 anyos na si Sun, na ang tunay na pangalan ay Jean Louise Salvador, ang kaniyang anak na si Angela Salvador, 45, ayon sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD).

Nahuli rin sa parehong operasyon sina Gerald de Guzman, 53, at Gonzalo Gonzales, 49, ayon sa QCPD.

PHOTO BY JACOB REYES

Nangyari ang operasyon sa isang condominium unit na pag-aari ni De Guzman sa Barangay E. Rodriguez.

Ikinasa ang operasyon bandang ala-1:30 ng madaling araw matapos umanong makatanggap ng sumbong ang mga pulis ukol sa aktibidad ng ilegal na droga sa unit ni De Guzman.

Nakuha sa mga suspek ang 7 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P6,800, drug paraphernalia, at buy-bust money.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.— Arra Perez, ABS-CBN News

Source: ABS-CBN News Ι https://news.abs-cbn.com/news/09/08/19/dating-artista-at-anak-nito-huli-sa-buy-bust-sa-quezon-city

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *