Entertainment
MOTHER RICKY REYES TUTOL SA SOGIE BILL: “Wag na kayong magbistida sa kalye tumulong nalang tayo sa kapwa!”

Published
1 year agoon

Nagpahayag ng pagtutol si Mother Ricky Reyes sa SOGIE equality bill.
Sa isang interbyu, ipinahayag nito na marami pang paraan upang matanggap ang mga miyembro ng LGBTQIA+ ng mga tao.
Ibinigyang diin nito ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa sa halip ng pagsuot ng bistida sa kalye.
Aniya, sa pamamagitan ng pagtulong sa iba ay matututunan din ng mga tao na tanggapin at mahalin sila.
Ipinanawagan din nito sa mga kapwa bakla na tigilan na ang pagsusuot ng bistida sa kalye dahil lalo lamang daw silang pagtatawanan ng mga tao.
“Tigilan na yang kabaklaan… wag na kayong magbistida sa kalye kasi lalo tayong pagtatawanan ng mga tao… dapat magtulong nalang tayo sa kapwa para mahalin tayo ng tao,” saad ni Reyes.
Maliban dito, naniniwala din si Reyes na ang pagpapakasal ay para lamang sa mga babae at lalaki.
“Ang pagpapakasal ibigay natin sa babae at lalake yan,” wika nito.
Si Ricky Reyes ay isa sa mga tanyag na miyembro ng LGBTQIA+ sa Pilipinas na isang matagumpay na negosyante at may-ari ng mga kilalang salon sa bansa.
You may like
-
ANAK NI INA RAYMUNDO NA SI ERIKA RAE, PAPASOK NA RIN SA SHOWBIZ!
-
Sam Milby kay Catriona Gray– “Yes, you are very special.”
-
Aktres na si Agot Isidro, super proud na kahawig niya si Palito
-
Iza Calzado, magdo-donate ng blood plasma sa PGH at Makati Medical Center para sa experimental treatment ng COVID-19
-
Sandy, negatibo sa COVID-19: Christopher de Leon pinalabas na sa ospital
-
Juan Miguel Severo, umalma sa tweet ni Drew Arellano ukol sa COVID-19