Connect with us

Entertainment

Megastar Sharon Cuneta kinokonsidera na ang semi-retirement sa showbiz

Published

on

Sharon Cuneta Facebook Photo

Kinokonsidera na ni Megastar Sharon Cuneta na pansamantala na itong magpapahinga sa kanyang career at bumalik sa pribadong buhay.

Ito ay inihayag ni Sharon sa kanyang Instagram account kasama ang larawan nila ng anak na si Frankie.

Makikita sa larawan na magkayap ang mag-ina at kalakip nito ang isang mahabang caption mula sa singer-actress.

Ayon kay Sharon, 41 years na siyang nagtatrabaho at aminadong napapagod na rin.

“I am so very tired. It has been 41 years of work, work, work for me, and at some point, kailangan na rin sabihin sa sarili na “tama na.” When will it ever be enough? Sometimes you just have to put your foot down and say it’s okay, and it’ll all be okay. Maybe I’ll do a concert here and there every once in a while, or a movie that I feel will really be worth the few months it’ll take me away from my home and family. “ saad sa kanyang IG post.

View this post on Instagram

I couldn’t talk about how it was when Kakie and I said our goodbyes. This is all I can share with you. Taken a few minutes before I left for the airport. I had asked her to not take me downstairs and see me leave the hotel, so the goodbyes were in the room, where I was trying so very hard to hold back my tears. I left her by our room’s door, then she closed it and stayed inside. I walked to the elevator and let go of my tears. Then while I was waiting for the lift to come up to our floor, she ran from the room to me and we hugged each other one last time, our tears freely flowing now, then I told her to run back to the room before I entered the elevator. It was a painful goodbye. But my girl is strong. She is my and her Daddy’s daughter, so I know she will be fine. I miss her so much. But this is for her own good and I have put my selfishness aside to let her spread her wings and fly. On another note, and this is important- Since last year l have seriously been thinking of semi-retiring. I am so very tired. It has been 41 years of work, work, work for me, and at some point, kailangan na rin sabihin sa sarili na “tama na.” When will it ever be enough? Sometimes you just have to put your foot down and say it’s okay, and it’ll all be okay. Maybe I’ll do a concert here and there every once in a while, or a movie that I feel will really be worth the few months it’ll take me away from my home and family. Sinasabi ko na sa inyo ito, mga mahal kong Sharonians. Mahal na mahal ko kayo…pero pagod na rin si Mama…Di naman siguro ako biglang forever na mawawala…pero konting-konti na lang siguro ang kakayanin kong ibigay until magpahinga na ako at i-enjoy naman ang tinatawag na private life na alam ng karamihan pero tungkol saan kokonti lang ang alam ko…I know you will all understand. I love you all and this has nothing to do with Kakie leaving. Like I said, last year ko pa naiisip at nararamdaman ito, at kinausap ko na rin ang pamilya at manager at team ko noon pa tungkol dito. I love you all so much, and I will try my very best to give you the best of me before I say goodbye. God bless us all. Goodnight everyone.😊🌟❤️❤️❤️🙏🏻

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on


May pakiusap din siya sa kanyang mga fans na sana ay maintindihan ang kanyang sitwasyon.

“Sinasabi ko na sa inyo ito, mga mahal kong Sharonians. Mahal na mahal ko kayo…pero pagod na rin si Mama…Di naman siguro ako biglang forever na mawawala…pero konting-konti na lang siguro ang kakayanin kong ibigay until magpahinga na ako at i-enjoy naman ang tinatawag na private life na alam ng karamihan pero tungkol saan kokonti lang ang alam ko…I know you will all understand. I love you all and this has nothing to do with Kakie leaving. “

Kamakailan ay inihatid ni Sharon sa New York ang anak niyang si Frankie kung saan nakatakda itong mag-aral.

Sinamantala din nila ang pagkakataon para makapag-bonding kasama ang mister na si Senator Kiko Pangilinan at ang iba pa niyang anak. – Jimmy Tamayo, Radyo Inquirer

Source: https://radyo.inquirer.net/201951/megastar-sharon-cuneta-kinokonsidera-na-ang-semi-retirement-sa-showbiz

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *