Connect with us

Entertainment

Beteranong aktor Lito Legaspi, pumanaw na

Published

on

Photo from the web

Sumakabilang-buhay na ang beteranong actor na si Lito Legaspi nitong Linggo, September 8, ganap na alas-diyes ng umaga sa Cardinal Santos Memorial Medical Center.

Cardiac arrest ang ikinamatay ni Legaspi dahil noong Biyernes ay nakaramdam na umano ito ng paninikip ng kanyang dibdb kaya’t dali-dali itong isinugod sa ospital.

Sa edad na 77 ay pumanaw ang aktor at naiwan ang mga anak na sina Brando, Zoren, Kier, at Jupiter, at ang kanyang estranged wife na si Hershey Legaspi.

Ibuburol ang labi ng aktor sa Loyola Memorial Funeral Homes sa Marikina City.

Nagsimula ang acting carrer ni Lito Legaspi noong 1959 at isa rin siyang matinee idol ng Sampaguita Pictures.

Ang huli nitong pagganap sa pelikula ay sa afternoon drama series ng GMA-7 na “My Special Tatay”.

Nakatakda sanang ipagdiwang ni Lito ang kanyang ika-78 kaarawan bukas, September 10.

Source: https://www.pep.ph/news/local/145922/veteran-actor-lito-legaspi-passes-away-due-to-cardiac-arrest-a734-20190908

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *