Connect with us

Entertainment

Justin Bieber, umaming gumamit ng droga

Published

on

Ani Justin Bieber, malaki ang naitulong ni Hailey Baldwin para tuluyan siyang magbago
Magkasamang nanood sina Bieber (kaliwa) at Baldwin (kanan) sa labang ng Philadelphia Flyers at Toronto Maple Leafs sa Toronto. Litrato mula sa THE CANADIAN PRESS/Chris Young

International singer na si Justin Bieber, umaming gumamit ng droga ang sa kanyang Instagram post. 

Sa kanyang Instagram post, inilarawan ni Bieber ang mga naging masamang epekto sa kanya ng katanyagan.

 “You see I have a lot of money, clothes cars, accolades, achievements, awards and I was still unfulfilled. Have u noticed the statistics of child stars and the outcome of their life?” sinulat niya.

“I went from a 13 year old boy from a small town to being praised left and right by the world with millions saying how much they loved me and how great I was,” dagdag niya. “I don’t know about you but humility comes with age.”

Sinabi pa ng 25-taong gulang na singer sa kanyang post na lahat ng kanyang gusto ay ibinibigay ng mga tao.  “I never even learned the fundamentals of responsibility,”

“I was 18 with no skills in the real world, with millions of dollars and access to whatever I wanted,” dagdag pa niya. “This is a very scary concept for anyone. By 20 I made every bad decision you could have thought of and went from one of the most loved and adored people in the world to the most ridiculed, judged and hated person in the world!”

Pagtakas sa problema

Inamin din ni Bieber na bumaling siya sa paggamit ng bawal na gamot upang matulungan siyang i-handle ang mga pangyayari sa kanyang buhay, ngunit naging malaki ang kapalit nito. 

“I started doing pretty heavy drugs at 19 and abused all of my relationships. I became resentful, disrespectful to women, and angry. I became distant to everyone who loved me, and I was hiding behind, a shell of a person that I had become,” sabi pa niya. “I felt like I could never turn it around. It’s taken me years to bounce back from all these terrible decisions, fix broken relationships, and change relationship habits. Luckily god blessed me with extraordinary people who love me for me.”

Nang dahil sa pag-ibig

Malaki raw ang pasasalamat ni Bieber na nalampasan niya ang madilim na parte na iyon ng kaniyang buhay. Ito ay dahil sa mga taong minahal siya sa kabila ng lahat. Binaggit din niya na nakatulong din ng malaki sa kanya ang kanyang pagpapakasal.

“Now I am navigating the best season of my life ‘MARRIAGE’!!” sabi niya sa post. “Which is an amazing crazy new responsibility. You learn patience, trust, commitment, kindness, humility and all of the things it looks like to be a good man.”

Sinabi pa ni Bieber na ang kanyang asawa na si Hailey Baldwin ang isa sa mga naging dahilan kaya ginusto niyang maging mabuting tao.

Kasikatan at mental health issues

Hindi lamang si Bieber ang sikat na mang-aawit na nagkakaroon ng depresyon dahil sa pagiging overwhelmed sa kanilang kasikatan. Kamakailan lamang ay kinansela ni Ariana Grande ang kanyang meet-and-greet sa fans dahil sa depression at anxiety.

Source: nytimes.com

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *