Connect with us

Entertainment

“LOVER” Ni Taylor Swift, nakapagtala ng bagong WORLD RECORD

Published

on

Taylor Swift Album Cover Lover
Ang bagong album ni Taylor Swift na Lover ang pang-apat na UK chart-topper ng singer sa loob lamang ng isang dekada. Litrato mula sa instagram.com

Nakapagtala ng isa na namang record si Taylor Swift dahil sa kanyang bagong album na “Lover“.

Ang “Lover ” ay ang kanyang ika-anim na album na nagkamit ng No. 1 spot sa Billboard 200.

Sa loob lamang ng isang linggo, umabot na sa 867,000 ang equivalent album units (679,000 ang bilang ng album sales) ng nasabing album sa US, ayon sa Billboard magazine.

It’s the largest sales week for any album since Swift’s last 2017 release “Reputation,” ayon sa mga kinatawan ng Billboard.

Si Swift ang kauna-unahang female artist na nakapaglabas ng anim na magkakaibang album na pawang nakapagbenta ng mahigit 500,000 kopya sa isang linggo, dagdag pa ng Billboard.

Nakapagtala rin ng record si Swift sa UK bilang nag-iisang female artist na may apat na chart-topper sa UK sa loob ng isang dekada.  Ito ay ang “Red,” 1989“,”Reputation, at ang pinakabago ay ang “Lover”.

Sa China naman, ang US singer-songwriter ay naging record-breaker din sa China bilang nag-iisang international artist in China na nagkaroon ng lampas sa 1 milyong pinagsama-samang bilang ng streams, downloads and sales sa loob lang ng isang linggo matapos itong ilabas.

Nagpasalamat si Swift sa kanyang fans sa pamamagitan ng pag-Tweet. 

“I just have to say to you guys, thank you so much for one of the best weeks of my life. I can’t thank you enough,” she said.

Ang “Lover” ay inilabas noong ika 23 ng Agosto kung saan nakapaloob ang ilang mga sikat na kanta ni Taylor na “Me” at “You Need To Calm Down”, pati na ang “Soon You’ll Get Better”, ang kanta na isinulat ni Taylor para sa kanyang inang may Cancer.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *