Connect with us

Entertainment

Mateo Guidicelli ganap nang opisyal ng Philippine Army 2nd Lieutenant

Published

on

Photo by Mj Felipe

Ganap nang opisyal na second lieutenant ng Philippine Army ang aktor na si Matteo Guidicille.

Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga papeles ni Guidicille na pinahihintulutan umano ang aktor na lumipat mula sa pagiging isang probationary second lieutenant.

Ang kasintahan ng aktor na si Sarah Geronimo ay presenteng naroroon sa seremonya ng “donning of the ranks” kung saan ginanap sa Philippine Army headquarters sa Taguig nitong Martes.

Karaniwan na ang pamilya ang inaatasan sa pagbibigay ng pins, ngunit mas pinili ni Mateo na ang kanyang girlfriend ang gumawa nito.

Matatandaang pumasok ang aktor sa Philippine Army noong Abril 2019 bilang isang reservist, kung saan ito ang kanyang paraan para maipakita ang kanyang pagmamahal sa bayan.

Bago ang kanyang pagpasok bilang isang Army reservist ay sumali din umano ito sa Philippine Coast Guard Auxilliary kasama ang mga kilalang actor na sina Erwan Heussaff at Nico Bolzico.

Source: https://news.abs-cbn.com/entertainment/08/20/19/look-matteo-guidicelli-is-officially-a-philippine-army-2nd-lieutenant

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *