Connect with us

Entertainment

South Korean Actor Ahn Jae Hyun gustong makipag-divorce sa kanyang asawa na si Ku Hye Sun

Published

on

Photo from the web

Kung matatandaan ang divorce ng SongSong couple na sina Song Joong-ki at Song Hye-kyo ay wala pang isang buwan ang nakakaraan, ngayon naman ay napapabalita ang paghihiwalay ng isa ring Korean couple na sina Ku Hye Sun at Ahn Jae Hyun.

“HE WANTS A DIVORCE, SHE WANTS TO STAY MARRIED”

Ito ang nakasaad sa isang  Instagram post ni Ku Hye Sun kahapon na si Jae Hyun umano ang gustong makipag-divorce,  ayon sa translation ng nangungunang K-pop website na Soompi.

Mayo 2016 nang ikinasal sina Hye Sun at Jae Hyun.

Dagdag pa sa caption ng IG post ni Hye Sun ay ipinahayag nito ang tungkol sa  kanilang mag-asawa na “lost our spark”.

Ayon pa kay Hye Sun ay maglalabas ng news report ang kampo ni Jae Hyun sa susunod na Linggo tungkol sa kanilang diborsiyo.

Si Ku Hye Sun ay gumanap bilang si Geum Jan-di ng Boys Over Flowers at si Ahn Jae Hyun naman ay gumanap bilang si Kang Min ng Cinderella and the Four Knights.

Source: https://www.pep.ph/news/145419/korean-actor-ahn-jae-hyun-to-divorce-ku-hye-sun-a4437-20190818

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *