Connect with us

Entertainment

Nadine Lustre, sasabak bilang hurado sa bagong reality contest ng ABS-CBN

Published

on

Nadine-Lustre
Jefferson Fernando @showbizjeff

Kasunod ng kanyang pag-atras sa 2019 Metro Manila Film Festival, isang bagong proyekto ngayon ang pinaghahandaan ng aktres na si Nadine Lustre sa ABS-CBN.

Isa si Nadine sa inaasahan na magiging hurado ng upcoming Kapamilya reality competition show na “Your Moment” kung saan makakasama niya si Boy Abunda.

“I’m super excited. I really love working with Tito Boy,” sabi ng aktres sa naganap na “Indak” premiere night nitong Lunes.

Patikim na kuwento ni Nadine, pang-international na talento ang mga aasahan na magiging bahagi ng “Your Moment.”

“Actually, hindi lang po siya para sa mga Pilipino; para sa buong mundo siya. Pero tayo kasi, especially tayong mga Pilipino, napaka-talented nating lahat and it’s nice na mayroong ‘Your Moment’ para maipapakita ng mga grupong ito ang kanilang mga talento,” ani Nadine.

Dahil unang beses na sasabak sa pagiging hurado, inihahanda na din niya ang kanyang sarili para sa proyekto.

“Ako, I’m just really honest ‘pag nagja-judge and with our show, parang it’s more of entertainment. Ako, I love being entertained so kung ano ‘yung nararamdaman ko, sinasabi ko lang naman,”ani Nadine.

Kung tatanungin naman kung handa na rin ba siya sa pag-ulan ng mga negatibong komento sa kanyang paraan ng pagiging hurado, sagot ni Nadine: “Sanay naman na po ako doon, hindi naman na po ako bago sa ganyan, so okay lang sa akin. I mean meron naman talaga ganun hindi mo naman po talaga ‘yun mapipigilan.”

Inaasahan na mapapanood ang “Your Moment” sa ABS-CBN sa unang bahagi ng 2020.

Source: https://news.abs-cbn.com/entertainment/08/06/19/nadine-lustre-sasabak-bilang-hurado-sa-bagong-reality-contest-ng-abs-cbn

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *