Connect with us

Capiz News

Truck vs tricycle: 1 patay, 3 sugatan sa Pilar, Capiz

Published

on

Isa ang patay habang tatlo ang sugatan matapos mahagip ng isang truck ang kasalubong nitong tricycle sa Brgy. San Fernando, Pilar, Capiz.

Kinilala ang namatay na si Shirley Vega, 59-anyos, residente ng Brgy. Binaobawan sa nasabing bayan.


Habang kinilala naman ang suspek na si Jonel Dalisay, 39, temporaryong nakatira sa Balasan, Iloilo.

Batay sa paunang report ng kapulisan, nag-overtake ang driver ng truck sa isang motorsiklo sa unahan nito nang mahagip ang kasalubong na tricycle.

Dinala sa magkaibang ospital ang mga biktima pero hindi na umabot ng buhay si Vega. Nagtamo ito ng malubhang sugat matapos maipit umano ng truck ang kaniyang mga paa.

Naka-confine naman sa ospital ang tatlo pa na sina Ruthmar Villa, 47, Bernard Sarad, 26, parehong mga taga-Iloilo, at Ronald Nogoy, 22, ng Dulungan, Pilar.

Nasa kostudiya naman ngayon ng Pilar PNP ang suspek at posibleng maharap sa kaukulang kaso.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *