Connect with us

Capiz News

Truck na may mga kargang kawayan nadisgrasya sa Pontevedra; 2 sugatan

Published

on

Sugatan ang driver at isang pahenante matapos madisgrasya ang kanilang sinasakyang truck sa Brgy. Pontevedra, Capiz kagabi, Marso 5.

Kinilala ang mga nasugatan na si Isidro Delfin y Dunton, 45-anyos, at Renato Barrogo, 27, pawang mga residente ng Brgy. Cabungahan, Maayon sa probinsiyang ito.


Ayon sa ulat ni KaTodo Butchoy Gardose, magdi-deliver sana ng mga order na kawayan ang nasabing truck nang maganap ang aksidente.

Mula sila sa bayan ng Maayon at patungo na ng Brgy. Guba nang pagdating sa Brgy. Sublangon ay napadaan sa malambot na gilid na karsada ang truck dahilan para matumba ang sasakyan.

Nagtamo ng ilang sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang driver at ang pahenante na agad namang isinugod sa ospital.

Nakalabas rin agad ang dalawa matapos lapatan ng kaukulang paggamot.

Sinasabing dahil rin sa sobrang bigat ng karga ng truck kaya ito nawalan ng balanse at natumba.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *