Connect with us

Capiz News

Tricyle driver arestado sa buy bust operation sa Pontevedra, Capiz

Published

on

Arestado sa buy bust operation ang lalaking ito na kinilalang si Ruel Babela, 34-anyos, isang tricyle driver at residente ng Brgy. Binuntucan, Pontevedra.

Narekober sa kaniya ng kapulisan ang apat na sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, Php1500 na buy-bust money.

Ang operasyon ay ikinasa ng kapulisan ng Pontevedra Municipal Police Station at Provincial Drug Enforcement Unit sa nabanggit na lugar.

Sa panayam ni KaTodong Butchoy Gardose, inamin ng suspek na gumagamit at nagtutulak ito ng droga. Inako rin niya ang mga sachet na narekober ng kapulisan mula sa kaniya.

Samantala, sa panayam naman kay PMaj. Christopher Candelario, hepe ng Pontevedra PNP, nagsimulang manmanan ng kapulisan ang suspek bago pa magkaroon ng Community Quarantine.

Nakakulong na ngayon sa Pontevedra PNP Station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *