Connect with us

Capiz News

Tricycle driver nahulihan ng 5 sachet ng ‘shabu’ sa Roxas City

Published

on

Timbog sa buybust operation ang isang tricycle driver matapos mahulihan ng limang sachet ng pinaniniwalaang shabu sa Brgy. Dayao, Roxas City.

Kinilala ang suspek na si Mariel Romero, 24-anyos, lalaki, residente ng naturang lugar.


Ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team ng Roxas City PNP ang operasyon gabi ng Lunes, Marso 2.

Nabilhan ng isang sachet ng shabu ang suspek kapalit ng Php1,000 buybust money. Apat pang sachet ng shabu ang narekober matapos rekisahin ang katawan ng suspek.

Kinumpiska rin ng kapulisan ang kaniyang pouch at isang cellphone.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *