Connect with us

Capiz News

TRICYCLE DRIVER ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA PONTEVEDRA, CAPIZ

Published

on

Arestado ang isang tricycle driver sa isang buy bust operation sa Brgy. Tacas, Pontevedra, Capiz nitong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Patrick Denaga, 32-anyoa, residente ng Brgy. Rizal, Pontevedra, Capiz.

Inaresto ang suspek matapos makapagbenta ng tatlong sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu sa isang police poseur buyer kapalit ng Php3500 buy bust money at Php3000 boodle money.

Dagdag na narekober ng kapulisan ang isang transparent plastic sachet ng naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, isang cellphone at isang motorsiklo.

Maliban rito, isinerbe rin ang isang warrant of arrest kontra sa suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 na inilabas at nilagdaan ni Presiding Judge Kristene Tiangco-Vinculado.

Nakakakulong na ngayon ang suspek sa Pontevedra PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Ang operasyon ay ikinasa ng Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU) led by PMAJ FRANCISCO D PAGUIA, Unit Chief and PLT JOHN MARK F JAMBALOS, Asst. Unit Chief and Cluster SDET composed of Pontevedra MPS, Pilar MPS and President Roxas MPS led by PMAJ SYRIL DC PUNZALAN, COP, both under the supervision of PCOL LAUDEMER N LLANETA, PD, Capiz PPO with coordination with PDEA 6.

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.