Connect with us

Capiz News

Tricycle bumangga sa pick-up sa Cuartero, Capiz; 2 sugatan

Published

on

Sugatan ang isang mag-ama matapos bumangga ang sinasakyan nilang tricycle sa isang pick-up sa Brgy. San Antonio, Cuartero, Capiz.

Kinilala ang mga sugatan na sina Jessie Bonza Jr., 23-anyos, driver ng tricycle, at ama nito na kaniyang angkas na si Jessie Bonza, 63, mga residente ng Brgy. Balatucan, Panitan.

Kinilala naman ang driver ng pick-up na Toyota Hilux na si PCpl. Jomer Amosig, 37, residente ng East Villa, Maayon, Capiz.

Batay sa report ng Cuartero PNP, umaga nitong Sabado, binabaybay ng pick-up ang kalsadahin mula sa Brgy. East Villa patungong Maayon proper nang aksidente itong mabangga ng kasalubong na tricycle.

Nabatid na kurbada ang lugar at umagaw ng linya ang tricycle sa pick-up dahilan ng kanilang banggaan.

Agad na isinugod ng mga residente ang mag-ama sa Bailan District Hospital para sa kaukulang paggamot habang maswerteng hindi naman nasugatan ang driver ng pick-up.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *