Connect with us

Capiz News

Top 8 Most Wanted Person ng Ivisan, Capiz arestado sa kasong Statutory Rape

Published

on

Arestado ang Top 8 Most Wanted Person ng Ivisan, Capiz sa kasong Statutory Rape.

Ang akusado na si Nestor Untayao Lipardo, 57-anyos, ay naaresto umaga ng Biyernes sa Brgy. Talimagao, Madalag, Aklan kung saan ito pansamantalang nakatira.


Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Ivisan PNP at ng Madalag PNP sa bisa ng warrant of arrest.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 266-a paragraph 1 in relation to Art. 266-b, paragraph b of RA 8353 o Statutory Rape ang akusado.

Ang kaniyang warrant ay ibinaba at nilagdaan ni Esperanza Isabel Poco-Deslate ng Regional Trial Court noong Nobyembre 2019.

Walang itinakdang pyansa ang korte para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Pansamantalang ikinulong sa Ivisan PNP Station ang akusado at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *