Connect with us

Capiz News

TOP 5 MOST WANTED PERSON SA KASONG RAPE, ARESTADO SA IVISAN, CAPIZ

Published

on

Arestado ang isang 33-anyos na lalaki sa kasong Rape sa Ivisan, Capiz at itinuturing na Top 5 Most Wanted Person.

Kinilala ang nasabing akusado na si Mark Francisco Varnal, isang mangingisda at residente ng Brgy. Basiao, Ivisan.

Ang suspek ay inaresto ng kapulisan nitong Lunes ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na binaba at nilagdaan ni Presiding Judge Faustino Valenzuela Roxas Jr., ng RTC Branch 14, Roxas City nitong Abril 30.

Walang pyansa na itinakda para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Ivisan PNP Station sa pamumuno ni PCpt. Gregg Anthony Salbang, Roxas City PNP, Capiz PIU, CIDG Capiz, at ng Capiz 2nd PMFC.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *