Connect with us

Capiz News

Tatlo sugatan sa disgrasya sa kalsada sa Panitan, Capiz

Published

on

Sugatan ang tatlong katao sa nangyaring aksidente na national highway na kinasasangkutan ng dalawang motorsiklo sa Brgy. Agkilo, Panitan, Capiz.

Kinilala ang mga sugatan na sina Lorenzo Villarial, 60-anyos, residente ng Brgy. Ilaya sa nasabing bayan; back rider nito na si Oscar Dumol ng Brgy. Agkilo.


Sugatan din ang driver ng isa pang motorsiklo na kinilala namang si Hanly Bonite, 32, residente ng Brgy. Tanque, Roxas City.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, tumawid umano ng highway si Villarial sakay ng kaniyang motorsiklo nang mabanggaan ito ng motorsiklo na menamaneho ni Bonite.

Dahil sa nasabing aksidente, nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima at dinala sa magkaibang hospital para gamotin.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *