Connect with us

Capiz News

Tanggapan ni Pres. Duterte magbibigay ng Php5 Million tulong sa Roxas City

Published

on

Magbibigay ng Php5 Million na pinansiyal na tulong ang Tanggapan ng Pangulo para sa mga nasalanta ng Bagyong Ursula dito sa Roxas City.

Inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ang resolusyon na nagbibigay otoridad kay Mayor Ronnie Dadivas para pumasok sa kasunduan na tanggapin ang nasabing tulong.

Ayon kay Konsehal Atty. Paul Baticados, ang nakasaad sa Memorandum of Agreement na maaring gamitin ng gobyerno syudad ang pondo para sa pagbili ng mga gamot, kagamitang medikal o pagkain.

Maari rin umanong gamitin ito sa pagbili ng mga kagamitang sa konstruksyon para sa pagtatayo ng mga learning o evacuation center na nasira ng bagyo.

Matatandaan na isa ang lalawigan ng Capiz sa matinding nasalanta ni Ursula sa araw pa man din ng Pasko noong nakaraang taon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *