Connect with us

Capiz News

Sunod-sunod na kaso ng motornapping sa Roxas City patuloy na iniimbestigahan

Published

on

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng kapulisan sa sunod-sunod na kaso ng nakawan ng motorsiklo sa lungsod na ito.

Matatandaan na araw ng Miyerkoles, Marso 4, isang motorsiklo ang narekober ng kapulisan na inabanduna sa Brgy. Tiza at nawawala na ang mga parte nito.


Positibo itong kinilala ng may-ari na iyon ang nawawala niyang motorsiklo na ninakaw sa harap ng Hercor College sa Brgy. Lawaan noong Pebrero 29.

Masakit sa kaniyang loob ang nangyari dahil nasa dalawang linggo palang nang mabili niya ang nasabing motorsiklo.

Batay sa ulat ni KaTodo Butchoy Gardose, simula Pebrero 19 nasa anim na kaso na nang motornapping ang nangyari sa syudad.

Ayon sa mga otoridad dalawa pa lamang ang kanilang narekober habang apat ang patuloy nilang hinahanap ngayon.

Iniimbestigahan narin ng kapulisan ang pagkakakilalan ng mga suspek sa mga nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *