Connect with us

Capiz News

Sundalo dinukot at pinatay sa Tapaz, Capiz

Published

on

Isang miyembro ng Philippine Army ang pinaniniwalaang dinukot at pinatay ng mga armadong grupo sa Brgy. Lahug, Tapaz, Capiz nitong umaga ng Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Cpl. Frederick Villasis.


Todo Media Magazine

Ayon sa paunang ulat ng kapulisan, nagmamaneho umano ng kaniyang motorsiklo ang biktima kasama ang backrider nito na si Analyn Giganto patungong town proper nang maganap ang insidente.

Pwersahan umano silang hinarang ng nasa 40 armadong katao na pinaniniwalaang mga miyembro ng communist terrorist group (CTGs) at dinala ang biktima sa hindi malamang direksyon.

Kalaunan, may isang concerned citizen ang nagpaalam sa tanggapan ng alkalde na ang nasabing biktima ay natagpuan sa parehong lugar pero patay na.

Naganap ang insidente sa gitna ng pagsuko ng 10 miyembro ng CTGs sa pamahalaang lokal ng Tapaz kaninang umaga.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *