Connect with us

Capiz News

Subsidy o ayuda sa mga tricycle driver isinusulong sa Roxas City Council

Published

on

Isinusulong ngayon sa Roxas City Council na mabigyan ng ayuda o subsidy ang mga tricycle driver sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Sa kaniyang diskurso pribilehiyo sa regular session ng Sanggunian, pinahayag ni Konsehal Angel Celino na gusto niyang matulungan ang mga tricycle driver.

Kasunod ito ng mga daing ng ilang mga driver na hindi umano sila nabigyan ng ayuda mula Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development Office.

Dagdag pa ng lokal na mambabatas, hindi umano kakasya ang kinikita ng mga tricycle driver dahil sa panibagong ordinansa ng lungsod na naglilimita sa iisang pasahero lamang ang pwede nilang isakay.

Hinikayat nito ang mga kasama sa Sanggunian na suportahan ang kaniyang rekomendasyon para matulungan ang mga apektadong mga tricycle driver.

Continue Reading
1 Comment

1 Comment

  1. Michelle

    May 29, 2020 at 9:59 am

    May cash assistance din po b kaming naka PUM dito sa malocloc sir ivisan capiz,??wala po kacing dumating na tulong galing sa dswd 3 months na po kmi dito may kasama pa po kming bata

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *