Connect with us

Capiz News

SK Chairman ng Brgy. Liong, Roxas City nagresign sa pwesto

Published

on

Nagresign sa kaniyang tungkulin bilang Sangguniang Kabataan Chairperson si Herra Huecas ang Brgy. Liong, Roxas City, Capiz.

Matatandaan na una nang inireklamo ng mga opisyal ng barangay sa Sangguniang Panglungsod si Huecas dahil sa hindi umano niya pagganap sa tungkulin.


Nabatid na lumuwas patungong Japan noon pang nakaraang taon ang dating opisyal kung saan siya nag-aaral ngayon.

Kaugnay rito, sinang-ayunan ng Sanggunian na ideklarang moot and academic ang kaso na isinampa laban sa dating SK Chairperson.

Nabatid na noong Enero 28 nagpadala ng sulat si Huecas sa tanggapan ni Mayor Ronnie Dadivas para ipabatid ang kaniyang itensyong magbitiw sa pwesto simula Pebrero 3.

Inaprubahan naman ng alkalde ang “irrevocable resignation” ni Huecas. Ipinasa ang sulat sa Department of Interior and Local Government at natanggap Pebrero 10.

Sinabi niya sa resignation letter, na bagaman gusto niyang maglingkod, makakabuti aniya na pagtuonan nalang muna niya ng panahon ang kaniyang pag-aaral.

Nagpaabot ito ng pasasalamat sa alkalde at sa lahat ng mga sumuporta sa kaniya.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *