Connect with us

Capiz News

Sekyu arestado matapos makuhanan ng kutsilyo at pinaghihinalaang shabu

Published

on

Arestado ang isang sekyu matapos makuhanan ito ng isang kutsilyo at dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa Brgy. Baybay, Roxas City.

Kinilala sa report ng Roxas City PNP ang suspek na si Manuel Roa, residente ng Brgy. Dumulog, sa lungsod na ito.


Ayon sa kapulisan, sakay ng isang tricycle ang nasabing suspek kasama ang tatlong iba pa mula sa city proper nang sila ay parahin ng tanod at pulis.

Nabatid na habang nagtatanong ang pulis at ang tanod sa driver, napansin umano ang kakaibang kinikilos ng suspek kaya nirikisa nila ang katawan nito.

Dito na narekober sa suspek ang kutsilyo at ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Itinanggi naman ng mga kasama nito sa tricycle na may kinalaman sila sa insidente.

Nakakaulong ngayon ang suspek sa Roxas City PNP Station at posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *