Connect with us

Capiz News

Seaman nalunod sa ilog sa Dumalag; search and rescue operation nagpapatuloy

Published

on

Patuloy parin ang search and rescue operation ng mga otoridad sa isang 46-anyos na lalaki na pinaniniwalaang nalunod sa Sitio Malitbog, Brgy. Dolores, Dumalag, Capiz.

Kinilala ang nasabing lalaki na si Marnel Bulahan, isang seaman, residente ng nasabing barangay.


Mababatid ayon sa asawa nito na si Sheila na tumawid ng ilog ang mister pasado alas-6:00 ng gabi noong Martes para bumisita sa kaniyang manokan.

Miyerkoles ng umaga, nagreport sa Dumalag PNP ang misis na hindi na nakauwi ng kanilang bahay ang asawa. Paniwala nito ay nalunod ang kaniyang mister.

Agad nagsagawa ng imbestigasyon ang kapulisan at natagpuan sa lugar ang botas na pagmamay-ari umano ng seaman.

Nanawagan ang Municipal Disaster Risk Reduction Management ng Dumalag sa mga residente malapit sa Panay River na ipagbigay-alam sa kanila kapag nakita nila ang biktima.

Huling nakita si Bulahan na nakasuot ng green sando, black jacket, six-pocket black short.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *