Connect with us

Capiz News

SEAFARER PATAY MATAPOS BUMANGGA ANG MOTORSIKLO SA STOCKPILE SA PANITAN, CAPIZ

Published

on

Patay ang isang seafarer matapos pinaniniwalaang bumangga ang menamaneho nitong motorsiklo sa isang stockpile sa Sitio Lip-ak, Brgy. Agbabadiang, Panitan, Capiz gabi ng Martes.

Kinilala ang biktima na si Sancho Dollete Jr., 51-anyos, residente ng Brgy. Bahit sa nasabing bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Panitan PNP, nakita umano ng ilang kalalakihan sakay sa motorsiklo ang nasabing biktima na nakahiga sa kalsada at walang malay.

Sinubukan pang gisingin ng mga ito ang biktima pero hindi ito nagising. Minabuti nalang nila na humingi ng tulong sa kapulisan.

Agad namang rumesponde sa lugar ang Panitan PNP at nag-imbestiga. Habang dinala naman ng mga rumespondeng tauhan ng Panitan Emergency Response Team ang biktima sa Bailan District Hospital pero dineklara itong dead on arrival ng doktor.

Lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na may nakitang stockfile malapit sa kinaroonan ng biktima at may marka ito na posibleng nabangga ng biktima at natumba sa menamanehong motorsiklo.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang driver dahilan ng kaniyang pagkamatay.

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *