Connect with us

Capiz News

Sasakyan, nahulog sa palayan sa Pontevedra, Capiz

Published

on

Isang Ford Everest ang nahulog sa isang palayan sa Brgy. Rizal, Pontevedra, Capiz dakong alas-2:00 ng hapon nitong Sabado.

Kinilala sa report ng Pontevedra PNP ang driver ng sasakyan na si Jonar Villalba, 37-anyos, residente ng Luna Novicio St., Brgy. 2, Roxas City.


Todo Media Magazine

Kinilala naman ang mga pasahero na sina Ace Andrada, 21; Bernabe Andrada, 27, parehong mga residente ng Brgy. Magtanop, Dao; Gregorio Abeco, 32; Teresita Abeco, mga residente naman ng Brgy. Intongcan, Pontevedra; at dalawa pang mga menor de edad.

Ayon sa kapulisan, galing sa bayan ng President Roxas ang nasabing sasakyan at papauwi na sana sa bayan ng Dao nang maganap ang aksidente.

Sinasabing nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver dahil sa tubig sa kalsada.

Agad na dinala sa ospital ang mga sakay ng nasabing sasakyan para sa kaukulang paggamot.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *