Connect with us

Capiz News

Sanggol patay matapos sinakal ng ina sa Roxas City

Published

on

Isang patay na sanggol ang natagapuan sa Brgy. Baybay, Roxas City na sinasabing sinakal ng sariling ina saka isinilid sa eco-bag.

Nabatid na isinailalim ng pamilya sa pregancy test ang 21-anyos na ina nitong Setyembre 17 sa isang clinic sa hinalang buntis ito.

Kinompirma ng obstetrician/gynecologist na buntis nga ang babae pero inamin ng huli na nanganak na ito.

Nang alamin ng pamilya kung saan niya dinala ang sanggol, itinuro niya sila sa isang kabinet sa bahay na pinagtatrabahuhan nito kung saan nakalagay ang isang eco-bag laman ang sanggol.

Isinailalim kinabukasan sa post mortem examination ang sanggol at dito napag-alaman na namatay ito sa asphyxiation by strangulation o pagsakal.

Sinampahan na ng kasong infanticide ang ang ina pero nakahospital arrest matapos ito makaranas ng pagdurugo.

Hindi pa malaman kung sino ang ama ng sanggol.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *