Capiz News

Roxas City isinailalim sa State of Calamity sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19

Nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panglungsod na nagdideklara ng State of Calamity sa Roxas City sa gitna ng krisis dulot ng Corona Virus o COVID19.

Ipinasa ng Sanggunian ang resolusyon sa isang special session nitong Marso 22, araw ng Linggo.

Ayon kay Konsehal Atty. Paul Baticados, Chairman ng Committee on Rules and Ordinances, ipinasa nila ang resolusyon para magamit umano ang calamity fund ng mga kabarangayan.

Ito ay sa kabila na una nang nagpasa ng Proclamation Number 929 si Pangulong Rodrigo Duterte na naglalagay sa buong syudad sa State of Calamity.

Kaugnay rito, nagpaalala si Atty. Baticados sa mga opisyal ng barangay na gamitin ng maigi ang calamity fund sapagkat hindi pa tiyak kung hanggang kelan ang krisis sa COVID19.

Nanawagan rin siya sa publiko na makipagtulungan sa mga gobyerno sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at regulasyon para sa kaligtasan ng lahat.

Samantala, nagpasa rin ng resolusyon ang Sanggunian sa parehong araw na nag-oobliga sa mga minor at senior citizen na sumunod sa curfew ordinance ng city government.

Share
Darwin Tapayan

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

1 day ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

3 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

3 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

7 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

7 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

7 days ago