Connect with us

Capiz News

Punong Barangay Oquendo ng Hipona, Pontevedra sinuspende sa pwesto

Published

on

Sinuspende sa kaniyang pwesto bilang Punong Barangay ng Hipona, Pontevedra, Capiz si Restituto “Resty” Oquendo kasunod ng administrative case na isinampa sa kaniya.

Suspendido ang kapitan sa loob ng 60-days upang hindi ito makaimpluwensiya sa imbestigasyon hinggil sa mga reklamo sa kaniya ng ilang mga residente.


Base ito sa resolusyon ng Sangguniang Bayan matapos magreklamo ang ilang mga negosyante makaraang kalatin nito ang kanilang mga paninda sa Brgy. Hipona noong Mayo 15.

Ang rekomendasyon ng Sanggunian ay kinatigan ni Mayor Dodoy Contreras sa pamamagitan ng isang memorandum na nag-aatas na suspindehin ang opisyal ng barangay.

Hahalili sa pwesto ni Oquendo bilang Punong Barangay ang unang barangay kagawad na si Mildred Tumlos.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *