Connect with us

Capiz News

PULIS NATAGPUANG MAY TAMA NG BARIL SA DIBDIB SA LOOB NG HOTEL, PATAY

Published

on

Dead on arrival sa ospital ang isang pulis na natagpuang may tama ng baril sa kaniyang dibdib sa kuwarto sa isang hotel sa Iloilo City nitong Huwebes.

Kinilala ang pulis PSSgt. Erwin Daniel, 38-anyos, taga-Capiz pero temporaryong nakatira sa La Paz, Iloilo City.

Sa panayam kay Col. Leo Batiles, ICPO Director, galing sa NCR ang naturang pulis na miyembro ng SWAT team at inilipat dito sa Iloilo bilang miyembro parin ng SWAT team kamakailan lang.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, alas-5:30 ng umaga nang magcheck-in ang pulis sa hotel kasama ang kaniyang asawa na isang nurse at limang taong gulang na batang babae, at apat na taong gulang na batang lalaki.

Tinatayang dakong alas-8:30 ng umaga naganap ang insidente. Natagpuan nalang umano na nakasandal sa kama ang pulis at duguan.

Limang minuto bago ang insidente, nag-order pa umano ng maiinom na Milo ang asawa sa hotel.

Hindi pa matukoy ngayon kung nagbaril ang pulis o aksidente itong nabaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *