Connect with us

Capiz News

Pulis binaril ng dating miyembro ng AFP sa Roxas City, Capiz

Published

on

Sugatan ang isang pulis matapos umanong barilin ng isang dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines sa Brgy. Lawaan, Roxas City gabi ng Martes.

Kinilala ang biktima na si Police Corporal Jeorge Catalan, 31-anyos, traffic investigator ng Roxas City PNP at residente ng Barangay West Villaflores, Maayon.

Habang ang suspek ay kinilalang si Emerson Taburnal, 33, residente ng Brgy. Lawaan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Roxas City PNP, nag-iinuman ang biktima kagabi kasama ang dalawa nitong pinsan nang makarinig sila ng putok.

Agad namang dumapa at nagtago ang mga ito subalit napag-alaman nalang ng biktima na may tama na ito ng bala sa kanang bahagi ng kaniyang tiyan.

Mabilis siyang isinugod sa ospital para sa kaukulang paggamot.

Agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang kapulisan at naaresto ang suspek. Iniimbestigahan din ang dalawa pa nitong kasama na itinuturing na mga person of interest.

Nabatid na bago ang insidente, nagkaroon ng pagtatalo ang grupo ng suspek at ni Jr. De Juan, pinsan ng biktima na nakasama niya sa inuman. Ito ang sinasabing dahilan kaya naghiganti ang suspek.

Nakakulong na ngayon sa Roxas City PNP Station ang suspek at nakatakdang isailalim sa paraffin test.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *