Connect with us

Capiz News

Pulis, 3 iba pa nahuling nagto-Tong-its sa Sapian, Capiz, arestado

Published

on

Pulis, 3 iba pa nahuling nagto-Tong-its sa Sapian, Capiz, arestado

Arestado ang isang pulis at tatlo na iba pa matapos mahuling nagsusugal sa Sitio Malinong, Brgy. Poblacion, Sapian, Capiz.

Kinilala ang nasabing pulis na si PMSg. Welmer Peral y Hotic, 40-anyos, at nakadestino sa Sapian Municipal Police Station.

Kinilala ang mga iba pang suspek na sina Eduardo Ocana, 47, Nelson Villa, 58, at Romilyn Otucan, 45, mga residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report ng Sapian PNP, huli sa akto ang mga suspek habang naglalaro ng Tong-its. Narekober sa lugar ang mga baraha at Php305 na taya.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 as amended by Presidential Decree 9287 ang mga nasabing suspek.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *